Ang buhay ay parang isang libro, bawat pahina nito ay may iba't-ibang kwento-may pahinang masaya at kaaya-aya ngunit di maiiwasan ang mga pahinang may kalungkutan at di inaasahang kahahantungan. Ngunit lahat tayo ay isang manunulat, manunulat ng isang librong ang bawat pahina ay ang ating sari-sariling kwento. Lahat tayo ay may sari-sariling kwento at ito ang daloy ng pahina ng kwento ng buhay ko. Ako'y namulat sa masaya at kumpletong pamilya, kapos man sa karayangyaan sa buhay ay marangya naman sa pagmamaha. Lumaki ako bilang isang normal na bata. Isang batang naglalaro sa gilid ng kalsada kasama ang mga barkada, naghahabulan, tumbang preso, bahay-bahayan at iba pang larong kalye. Pagkatapos ng eskwela, pagkauwi sa bahay ay agad kong ibinabagsak ang aking bag tapos takbo agad sa palaruan kahit di pa nakakapagpalit ng damit pambahay. Sabi nga nila masarap mamuhay pag musmos pa lamang, walang ibang iniisip o ginagawa kundi ang paglalaro at pakain. Pagkatapos ko ng elememtar...