Ang buhay ay parang isang libro, bawat pahina nito ay may iba't-ibang kwento-may pahinang masaya at kaaya-aya ngunit di maiiwasan ang mga pahinang may kalungkutan at di inaasahang kahahantungan. Ngunit lahat tayo ay isang manunulat, manunulat ng isang librong ang bawat pahina ay ang ating sari-sariling kwento. Lahat tayo ay may sari-sariling kwento at ito ang daloy ng pahina ng kwento ng buhay ko.
Ako'y namulat sa masaya at kumpletong pamilya, kapos man sa karayangyaan sa buhay ay marangya naman sa pagmamaha. Lumaki ako bilang isang normal na bata. Isang batang naglalaro sa gilid ng kalsada kasama ang mga barkada, naghahabulan, tumbang preso, bahay-bahayan at iba pang larong kalye. Pagkatapos ng eskwela, pagkauwi sa bahay ay agad kong ibinabagsak ang aking bag tapos takbo agad sa palaruan kahit di pa nakakapagpalit ng damit pambahay. Sabi nga nila masarap mamuhay pag musmos pa lamang, walang ibang iniisip o ginagawa kundi ang paglalaro at pakain.
Pagkatapos ko ng elememtarya ay ibang lebel o pahina naman ang aking sisimulan. Sa pagtahak ko ng Junior High School ay hindi lang bagong paaralan kundi bago rin ang nakilala kong mga kaibigan. Kaibigan na kailanman ay di ko makakalimutan sapagkat sila'y naging importante na sa aking kaibigan. Sa pahina na ito makikita ang iba't-ibang problema hindi lang bilang kabataan kundi pati narin sa lebel ng aming pamumuhay. Bilang isang kabataan naranasan ko ang ibully ng kapwa ko kamag-aral yung tipong gusto ko na silang patulan pero hindi ko magawa dahil mas malakas sila. Naranasan ko rin ang pumasok ng walang pera dahil nga kapos kami, nagbibigay ng promisorry note para lang makakuha ng pagsusulit, at ang magtarabaho sa bukid para lang may maitulong sa pamilya at magkaroon ng allowance. Sa pagharap at pagpupursiging ginawa ko kasama ang aking mga magulang ay nairaos ko ang aking pag-aaral at nakapagtapos ako ng may parangal at laking tuwa ng magulang ko dahil dito.
Pagtapak ko naman ng Senior High School kinailangan kong lumipat ng bagong eskwelahan para ipagpatuloy ang aking pag-aaral. Dito ko natagpuan ang iba't-ibang klase ng mga kaibigan. May kaibigang tapat ngunit di maiiwasan ang mga kaibigang tsaka lang mabait kapag kaharap ka, sabi nga nila mahirap magtiwala at ito ang aking pinapaniwalaan. Dito ako sinubok ng panahon. Dito ako mas namulat na dapat ay magpursigi ako sa pag-aaral upang makapagtapos ako at magkaroon ng magandang tarabaho dahil na rin sa mga nasaksihan kong paghihirap at pangungutya ng ibang tao sa aking mga magulang. Gaya na lamang ng aking ina na kinukutya o pinapahiya ng kanyang amo dahil sa katulong lang daw siya at hindi nakapagtapos ng pag-aaral at sa aking ama naman na pinapagalitan ng ibang tao dahil na rin sa mga utang na sinisingil. Awa at galit anv aking nararamdaman sa mga pangyayaring ito, awa sa aking mga magulanv at galit naman sa mga taong gumagawa sa kanila nito. Gayundin ang nasasaksihan kong pagtitiis nila sa kanilang pagtratrabaho, nagtratrabaho sila kahit na may dinaramdam silang sakit, kahit na sana ay di na nila kaya ay patuloy parin sila. Labis ang kalungkutang aking nararamdaman at labis din ang kagustuhan kong patigilin na sila sa pag-aaral ngunit wala akong magawa dahil nga nag-aaral palang ako at wala pa akong trabaho at sapat na pera para sa pantustos sa mga kailangan nila at isa pa ay umaasa palang ako sa kanila. Kaya sa mga panahong ito ay itinatak ko sa isip ko at nangako ako na dapat makatapos ako ng pag-aaral para di na nila kailangang magtiis o mahirapan sa paghahanap buhay dahil ako na ang magtratrabaho para sa kanila, papalitan ko ang mga paghihirap na kanilang hindi magagandang naranasan ng masasayang alaala at pamumuhay. At dahil nga sa pagtitiis at pagpupursigi ay nalagpasan ko ang ibat-ibang pagsubok na dumaan at nakapagtapos ako ng may parangal.
Sa pagtapak ko naman sa kolehiyo ay napag-isipan kong kumuha ng kursong Batsilyer ng Pansekondaryang Edukasyon at Matimatika ang pinili ko bilang medyor. Sa pahinang ito ay marami  akong pinagdaan lalong lalo na sa aking napiling medyor dahil minsan pakiramdam ko ay nahuhuli ako sa mga topiko na binabahagi ng aming guro.  Minsan ay gusto ko ng bumitaw o tumigil dahil nga ay nahihirapan at napapagod ako pero may isang taong naging espesyal sa akin ang nag-udyok sa akin na magpatuloy at huwag panghinaan ng loob. Siya ang nagparamdam sa akin na di ako nag-iisa dahil lagi siyang andiyan. Ngunit di ko akalaing siya na aking pinaghuhugutan ay akin niya ring iiwan, iniwan niya ako sa mga panahong mas higit ko siyang kailangan at iniwan niya ako ng di ko parin malaman laman ang tunay na dahilan. Sa unang pagkakataon ay nabigo ako sa pag-ibig. Ngunit sa paglipas ng buwan ay naging ayos na ako sapagkat naramdaman ko ang pag-aaruga ng aking pamilya. Sabi nga sa kanta, "Tuloy parin ang awit ng buhay ko". Ipinagpatuloy ko ang pahina ng aking buhay dahil narin sa tulong ng aking mga kaibigan at ng aking pamilya. Natapos ko na ang unang taon sa pag-aaral, at ngayon ay patuloy ko paring isinusulat ang bawat pahina ng aking buhay at alam kong marami pa ang aking pagdadaanang problema at haharaping pagsubok ngunit alam kong ito'y aking makakaya.
Sabi nga nila habang tumatagal ay mas mahirap ang pagsubok na darating, ngunit gaano man ito kahirap ay dapat nating harapin at wakasin kahit na sa pakiramdam natin ay pagod na tayo o di na natin kaya ay kailangan nating ipagpatuloy dahil di tayo nag-iisa, kasama natin ang mga taong prumoprotekta, namamahal at agtitiwala sayo at higit sa lahat andiyan ang Diyos para gabayan tayo sa pagtahak natin sa kwento ng ating buhay hanggang sa katapusan o hanggang sa kung saan ang magandang kinabukasan ang ating paroroonan.

Comments